Dahil Valentine weekend, lulubáy muna ang mga tambay sa usaping nakaririndí — katulad ng, ano ba ang ginagawa ni VP Sara Duterte, patambay-tambay o petiks petiksDahil Valentine weekend, lulubáy muna ang mga tambay sa usaping nakaririndí — katulad ng, ano ba ang ginagawa ni VP Sara Duterte, patambay-tambay o petiks petiks

[Tambay] Valentine’s Day pa — saka na pag-usapan sina Sara, Robin, at Marcoleta

2026/02/15 14:00
5 min read

Naglalakad ako pauwi isang gabi nung nakaraang linggo nang may nadaanan akong tatlong binatilyong nagkukuwentuhan. Nakaupo sila sa ilalim ng ilaw ng poste, sa tapat ng gate ng isang bahay. Hindi nila pinapansin ang mga taong dumaraan. 

Palibhasa madlim at tahimik na ang paligid, angat ang tunog ng boses nila kahit simpleng pag-uusap lang. Hindi sinasadya nang maulinigan ko ang topic ng usapan nila. 

Sabi nung marahil ay nakatatanda sa tatlo, “Ang kiss-and-tell ay ‘yung may ginagawa tapos ikukuwento sa ibang tao ‘yung ginawa nila.” Bagama’t pare-parehas lang silang mga nasa murang edad, pero dahil siya ang pinamatangkad at marahil mas may karanasan, medyo may “air of confidence” ‘yung alpha binatilyo. 

“Ganun pala ‘yun?” sagot nung isang binatilyong nakatitig kay alpha binatilyo. Tahimik naman ‘yung ikatlo. 

Hindi ako nagpahalatang nasa “marites” mode ako nung dumaan ako sa harap nila. Hindi ko sila nilingon, pero sa gilid ng mata ko, aninag na para silang nasa klasrum at nakapako ang mata nung dalawa sa nagkukuwento.  

Nasabi ko sa sarili ko: Hay, malapit na talaga ang Valentine’s Day. Thematic na ang usapan ng mga kabataan.

Dahil nga araw-ng-mga-puso weekend, maiiba muna ang topic natin. Lulubay muna ang mga tambay sa usaping nakaririndi. Iparada muna natin sa gilid ang maaanghang na isyu. ‘Ika nga, “love is in the air” muna ngayong extended Valentine’s Day.

Pero, ang totoo niyan, wala akong choice. ‘Yung mga nakaugalian kong kasama sa mga umpukan, puro busy, puro may date. Hay, kapag puso talaga ang usapan, nabubulabog ang lahat ng iskedyul. Palibhasa. ‘sakto sa araw ng bigayan ng suweldo ang Valentine’s Day, tapos weekend pa. Sa madaling salita, walang takas.

Kaya isasantabi muna natin ‘yung ibang mga isyu na masarap sanang gatong sa mga maalab na balitaktakan.

Saka na natin pag-usapan ‘yung resulta ng isang survey na mataas ang “satisfaction rating” sa publiko ni Vice President Sara Duterte. Palaisipan sa tambay na ito ang resulta ng survey ng SWS. Tanong ko sa aking sarili: Ano ba ang ginawa o ginagawa ni Sara? Sa huling balita ko, nasa The Hague si Vice President, at kilala naman siguro ninyo kung sino ang nakakulong doon. “Gets” ko naman na nasa tabi siya ng kanyang tatay ngayong nagigipit ito. Pero parang mas matagal pang namamalagi sa bansang Netherlands si VP Sara kesa sa ‘Pinas. (PANOORIN: OVP says P7.5M spent on security for Sara Duterte’s overseas trips)

Sabagay, sa mga sabi-sabi, inilalarawan ang trabaho ng isang vice president na parang isang “spare tire” — ekstrang gulong na nakatabi, hindi ginagamit, at mapapakinabangan lang kung may masamang mangyari sa pangulo. Kung magkagayon, swak ang ginagawa (o kawalang ginagawa) ni VP Sara — patambay-tambay o petiks petiks lang, pero pinasasahod nating taumbayan. 

Madalas pa ngang lumalabas sa mga kakampi niyang social media accounts ang VP. Doon, binabatikos niya ang mga ex na ka-Unity Team niya. Pati korapsiyon, pinupuna ni Sara, pero hindi niya binabanggit o ipinapaliwanag kung saan napunta ‘yung mga daang-milyong-pisong confidential and intelligence funds niya. (BASAHIN: Sara Duterte faces new set of plunder, graft complaints over confidential funds)

Sana, sakaling matuloy ang impeachment trial niya, ipaliwanag ni VP Sara kung paano niya ginastos ang confidential and intelligence funds niya. Hangga’t hindi siya nagsasalita rito, hindi maiaalis sa isip ng tambay na ito ang pagiging ipokrito ng pagpuna niya sa korapsiyon. (BASAHIN: LIST: Allegedly fictitious names in Sara Duterte’s confidential fund receipts)

Sa mga susunod na araw na lang din nating pag-usapan ‘yung naisip ni Senator Rodante Marcoleta na “i-give up na natin ang KIG.”  Katakot-takot na bugbog online ang inabot ni Marcoleta sa sinabi niya tungkol sa Kalayaan Islands Group. Nagpapaliwanag siya na mali raw ang interpretasyon ng media sa sinabi niya. Hanapin ninyo sa social media iyong “give up” comment na ‘yan ni Marcoleta, tapos pakinggan ninyo na rin ‘yung pagkahaba-habang niyang paglilinaw. Habang pinakikinggan ko ang buong pagkaklaro ng senador, ang pabiro kong naisip ay, “Sa presinto ka na magpaliwanag.”

Pang-next time na susuriin ng mga nagkukunwaring eksperto sa West Philippine Sea sa barangay namin kung paglilinaw ba o palusot lang ang sinabi ni Marcoleta .

I-postpone na rin muna ang talakayan ng mga tambay tungkol sa sinabi ni Senator Robin Padilla sa mga kabataan. Sabi ni Padilla sa isang Senate hearing: “Ang mga bata po ngayon, sad to say — Huwag kayo magagalit sa akin. Maraming bata ang magagalit siguro, pero pasensiya na kayo — you are weak.” Bakit kaya sa Ingles sinabi ni Senator? For emphasis kaya? Para tunog na may authority at katotohanan? 

Tulad nga ng inaasahan ni Padilla, nagliyab ang social media sa komentaryo niya. Tawagin naman ba niyang iyakin ang kabataang Pinoy?

Mga bagets, ang puso ninyó!

At dahil nga tinatawag na “araw ng mga puso” ang Valentine’s, hindi na muna pag-uusapan naming mga tambay ang mga nagbabagang isyu na ‘yan.

Pagbigyan na natin ang extended Valentine’s weekend. Pagdating sa pag-ibig, legit na love experts ang mga tambay namin dito sa barangay. At hindi lang ‘yung mga may ka-Valentine, kahit ‘yung mga single ay mayroong masasabi kapag love ang pinag-uusapan. 

Pero…walang kiss-and-tell sa kanila.

PANÍNGIT: Napangiti ang tambay na ito sa nabasa niyang message sa website ng diksiyonaryo ng Komisyon sa Wikang Filipino: Alam mo ba? Ilan sa mga tawag natin sa ating minamahal ang írog, gíliw, liyág, kási, mutyâ, sintá, at palanggà. Ikaw, may iba ka pa bang tawag sa iyong minamahal?

– Rappler.com

Si Chito de la Vega ay Tambay ng Rappler dalawang beses kada buwan. Kasama rin siya sa mga anchor-host ng programang Balita Kwento Serbisyo ng DZME 1530.

Disclaimer: The articles reposted on this site are sourced from public platforms and are provided for informational purposes only. They do not necessarily reflect the views of MEXC. All rights remain with the original authors. If you believe any content infringes on third-party rights, please contact service@support.mexc.com for removal. MEXC makes no guarantees regarding the accuracy, completeness, or timeliness of the content and is not responsible for any actions taken based on the information provided. The content does not constitute financial, legal, or other professional advice, nor should it be considered a recommendation or endorsement by MEXC.

You May Also Like

Is Doge Losing Steam As Traders Choose Pepeto For The Best Crypto Investment?

Is Doge Losing Steam As Traders Choose Pepeto For The Best Crypto Investment?

The post Is Doge Losing Steam As Traders Choose Pepeto For The Best Crypto Investment? appeared on BitcoinEthereumNews.com. Crypto News 17 September 2025 | 17:39 Is dogecoin really fading? As traders hunt the best crypto to buy now and weigh 2025 picks, Dogecoin (DOGE) still owns the meme coin spotlight, yet upside looks capped, today’s Dogecoin price prediction says as much. Attention is shifting to projects that blend culture with real on-chain tools. Buyers searching “best crypto to buy now” want shipped products, audits, and transparent tokenomics. That frames the true matchup: dogecoin vs. Pepeto. Enter Pepeto (PEPETO), an Ethereum-based memecoin with working rails: PepetoSwap, a zero-fee DEX, plus Pepeto Bridge for smooth cross-chain moves. By fusing story with tools people can use now, and speaking directly to crypto presale 2025 demand, Pepeto puts utility, clarity, and distribution in front. In a market where legacy meme coin leaders risk drifting on sentiment, Pepeto’s execution gives it a real seat in the “best crypto to buy now” debate. First, a quick look at why dogecoin may be losing altitude. Dogecoin Price Prediction: Is Doge Really Fading? Remember when dogecoin made crypto feel simple? In 2013, DOGE turned a meme into money and a loose forum into a movement. A decade on, the nonstop momentum has cooled; the backdrop is different, and the market is far more selective. With DOGE circling ~$0.268, the tape reads bearish-to-neutral for the next few weeks: hold the $0.26 shelf on daily closes and expect choppy range-trading toward $0.29–$0.30 where rallies keep stalling; lose $0.26 decisively and momentum often bleeds into $0.245 with risk of a deeper probe toward $0.22–$0.21; reclaim $0.30 on a clean daily close and the downside bias is likely neutralized, opening room for a squeeze into the low-$0.30s. Source: CoinMarketcap / TradingView Beyond the dogecoin price prediction, DOGE still centers on payments and lacks native smart contracts; ZK-proof verification is proposed,…
Share
BitcoinEthereumNews2025/09/18 00:14
SUI: Where the Price Might Be Heading After the $1.02 Breakout Attempt

SUI: Where the Price Might Be Heading After the $1.02 Breakout Attempt

SUI is trading near $1.034, attempting to hold above the key $1.02 resistance level after breaking out from a rounded base formation. The level that matters is $
Share
Ethnews2026/02/15 16:35
Senators Filed Complaint with CFIUS Over WLFI’s UAE Investment

Senators Filed Complaint with CFIUS Over WLFI’s UAE Investment

The post Senators Filed Complaint with CFIUS Over WLFI’s UAE Investment appeared on BitcoinEthereumNews.com. Warren and Kim Demand CFIUS Investigation into WLFI
Share
BitcoinEthereumNews2026/02/15 15:52